Target ng Pampanga Foton na maangkin na ang titulo sa muli nilang pagtutuos ng Manila National U-MFT sa Game Two ng best-of-three finals series para sa Filsports Basketball Association (FBA) 2nd Conference ngayong hapon sa Colegio De Sebastian gym sa San Fernando, Pampanga.

Sumandig kay dating NCAA standout Levi Hernandez, naipanalo ng Toplanders ang Game One, 76-69, na ginanap sa San Fernando noong nakaraang Martes para makalapit sa asam nilang unang titulo sa liga makaraang mabigo sa una nilang pagtatangka noong First Conference kung saan tinalo sila ng nagkampeong Quezon City UP.

Ganap na ika-5 ngayong hapon ang muling pagtatagpo ng dalawang koponan kung saan sisikapin namang humirit ng Bulldogs ng knockout Game Three.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Aasahan ng Bulldogs sa misyong ito sina Issa Gaye at Kim Cinco para magkaroon pa ng laro sa darating na Martes.

Samantala, bago ang laro, magaganap naman ang unang Annual Awarding ceremonies bilang pagbibigay ng individual recognition sa mga top performer ng taon at sa kasalukuyang conference sa pamamagitan ng tagapagtaguyod na Korgivit-E.

Pangungunahan ang seremonyas nina FBA President at CEO LJ Serrano at Commissioner Vince Hizon kasama ng ilang mga panauhin. (Marivic Awitan)