Vice at Coco copy

MARAMING na-curious kung sino ang binabanggit ni Vice Ganda na karelasyon ni Coco Martin na nagsisimula ang pangalan sa letrang J nang ganapin ang grand presscon ng The Beauty and The Bestie na entry ng Star Cinema at Viva Films sa 2015 Metro Manila Film Festival.

May nagtanong kasi kung may alam si Vice kung may dyowa ngayon si Coco, natawa ang TV host/comedian, sabay react kaagad ng Ang Probinsiyano ng, “Uy, ‘wag...” na ikinatawa ng lahat.

Lalong natawa si Vice, “Ha-ha-ha, ayokong magsalita kasi ayoko namang sa akin manggaling ‘yung oo.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Aliw na aliw ang press at lahat ng iba pang dumalo sa presscon, kasi nadulas si Vice na mayroon ngang girlfriend ngayon si Coco.

Siyempre, kinulit na si Coco kung sino ang girlfriend niya.

“Wala pa po, baby pa, eh. Baka next year po.”

At dahil nabanggit na ang umpisa ng pangalan ay letter J, ang hula ng lahat ay si Julia Montes na bida sa Doble Kara. Noon pa ay hindi rin naman itinanggi ni Coco na gusto niya ang dalaga at masarap daw alagaan. So, posibleng siya na nga, di ba, Bossing DMB?

(Matagal na nating sinusulat na hinihintay ni Coco ang pagdadalaga ni “J”, na nagpapahintay naman, di ba?—DMB)

Samantala, gumanti naman si Coco, na kaya hindi na rin daw sinasabi ng bestie (best friend) niya ang mga nagiging dyowa nito dahil talagang itinatanong niya ang lahat ng mga nakilalang boylet kung anu-ano na ang naibigay sa kanya.

Ibinuking ni Coco na lahat daw halos ng naging boyfriend ni Vice ay pineperahan ito.

Naloka si Vice sa sinabing ito ni Coco dahil nga may karelasyon siya ngayon na ayon kay Coco ay isang Chinese.

Anyway, riot daw sa katatawanan at action ang The Beauty and The Bestie kaya unahin daw itong panoorin dahil sinigurado ng buong cast na lalabas ng sinehan ang lahat na tumatawa. (REGGEE BONOAN)