Maine, Jessica at Alden copy

TULUY-TULOY ang kilig ng AlDub Nation, lalo na ngayong Linggo, December 13, kaya tiyak na magbibiruan na naman sila sa paghingi ng ‘oxygen’ para makahinga sa kilig. Maghapon kasing mapapanood sa GMA-7 ang kanilang paboritong phenomenal love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub).

First time maggi-guest ni Maine sa Sunday Pinasaya dahil big promo nila ng My Bebe Love. Maraming naghihintay kung saang segment papasok sa comedy-variety show si Maine, kung siya ang magiging special guest ni Alden sa segment nitong DJ Bae with Jerald Napoles na mahilig ilaglag si Alden every Sunday.

Susundan ito ng guesting din nilang dalawa sa Vampire Ang Daddy Ko with Bossing Vic Sotto. Ipakikita ni Maine ang husay niya sa comedy.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

At sa gabi, after ng Ismol Family, special guests sila ni Ms. Jessica Soho sa Kapuso Mo Jessica Soho.

Si Jessica ang unang nag-feature kay Maine noong DubSmash queen pa lamang ang huli at sa show din narinig for the first time ang boses niya. After that, hindi na siya muling nakausap ni Jessica nang nagtambal na sila ni Alden sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ngayon lamang na-interview nang live at magkasama ang dalawa. Sa teaser na ipinakita tungkol sa show, kilig na ang fans. Love na love ng AlDub Nation si Jessica na type nilang mag-interview at sinusundan talaga ang magka-love team sa special moments of their lives.

Last Friday, December 11, ipinakita na rin ang bagong softdrink TV Commercial nina Alden at Maine kasama si Lola Nidora (Wally Bayola). Hindi man fans ng dalawa ang nag-post sa Twitter, sinabi nilang pinakamaganda at pinaka-romantic ang TVC ng AlDub dahil hinintay nila na puwede nang magkasama sina Alden at Maine at wala na ang split screen. Inuna nilang inilabas ang napakalaking billboard ng produkto na tinitingala along EDSA ng mga commuters.

(NORA CALDERON)