Magpapakalat ng dagdag na 700 tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa mga lansangan sa Metro Manila, partikular sa EDSA ngayong Christmas rush.
Ayon kay MMDA Traffic Discipline Office Director Atty. Crisanto Saruca, 250 tauhan ang magmumula sa HPG at 450 mula sa MMDA na tutulong sa pagmamando ng trapiko at gagabay sa mga motorista sa Mabuhay Lanes o mga alternatibong ruta.
Karaniwan nang tumataas ng 25 porsyento ang traffic volume sa holiday season dahil sa pagdagsa ng mga sasakyan mula sa probinsiya at ng mga mamimili sa malalaking shopping mall at mga tiangge sa Baclaran sa Parañaque City at Divisoria sa Maynila.
Pinuna ni Saruca ang kawalan pa rin ng disiplina ng mga motorista at pedestrian ang isa sa pinag-uugatan ng traffic.
(Bella Gamotea)