Pinagbabaril hanggang mapatay ng hindi nakilalang salarin ang isang retiradong pulis sa Pala-Pala, Barangay San Agustin 1, Dasmariñas City, Cavite.

Sa inisyal na report mula kay Supt. Joseph Arguelles, hepe ng pulisya rito, kinilala ang biktima na si SPO3 Antonino Amores, 57, ng Bgy. Santol Silang Cavite. Siya ay nagretiro noong 2014 sa Dasmariñas City PNP.

Sa imbestigasyon ni PO3 Reynald Afable, may hawak ng kaso, dakong 5:15 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Balibago Turbina Terminal sa Pala-Pala habang nakapila ang van ng biktima na may rutang Cavite-Laguna.

Nagkakape ang biktima nang dumating ang nakamotorsiklong suspek at kaagad siyang pinagbabaril.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Inaalam na ng Dasmariñas Police ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek. (Beth Camia)