PAGTANGGAL ng “contractualization” ang isa sa mga pangako ng mga “presidentiables” na sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Grace Poe.

Oras na para tulungan ang mga manggagawa at kanilang mga pamilya.

Bukod kina Duterte at Poe, ganito rin ang isa sa mga pangako ni OFW Party-list Rep. Roy Seneres, at lahat ng tumatakbong president para sa 2016 election, ang tuluyang pagtanggal ng “contractualizatiopn“ system.

Ito ay naging “usual practice“ at isang pabigat para sa mga manggagawa at kanilang pamilya.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sinabi ni Duterte na puntirya niya ang pagkakaloob ng trabaho sa mga walang trabahoat ang pagtanggal ng contractualization.

Hindi lang ang pagsugpo sa mga criminal at adik, pangako niya.

“This contractualization is the usual practice today because once an employee becomes permanent after six months, employers are obliged to give Christmas bonus and other benefits,” paliwanag ni Duterte.

“I would not allow this if I become president,” diin ni Duterte.

“If you keep on terminating our workers after six months he or she will get no gains, no expertise on the field or line of work where he or she should excel.” ani Duterte.

Aniya, ang contractualization “is an anti-Filipino policy”.

Ganito rin ang hangaring ipinangako ni Sen. Grace Poe-Llamanzares.

“I will push for the regularization of workers both in government and the private sector if I getthe people’s mandate in 2016,” pangako naman ni Poe.

Sinabi ng senador sa PGEA at TUCP na ang “perpetual contractualization results in perpetual insecurity of tenure.”

“It’s unfair and unjust.It contributes to poverty,“ ani Poe.

At maging si Rep. Seneres ay nagsabing mananatili siya sa kanyang paninindigan na tanggalin ang contractualization.

Aniya, dapat pantay-pantay ang trato sa mga manggagawa.

****

Samantala, hinimok ni Vice Presidential candidate Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang Aquino administration na muling pag-isipan ang kontrobersiyal na Conditional Cash Transfer (CCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Now we hear that we are growing at a remarkable rate, but it is not felt by ordinary people. It is felt by big corporations, it is felt by rich people,” pahayag ni Marcos Jr. (FRED M. LOBO)