SAN PASCUAL, Batangas — Natagpuang patay ang isang 67 anyos na lolo matapos barilin ang kanyang asawa at isa pa sa San Pascual, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Pedro Reyes, ng Bauan, Batangas, na nakitang patay sa tabi ng tricycle matapos umanong barilin ang sarili.

Ligtas na sa ospital ang asawa nitong si Lolita Reyes, 59, at isa pang biktima na si Consorcia Magbojos, 71.

Nabatid sa report ni PO3 Francisco Bonado, dakong 7:15 ng umaga noong Disyembre 9, binaril ng suspek ang asawa at nadamay si Magbojos nang awatin nito ang dalawa sa kanilang away. Tinamaan ng bala ng cal.38 sa kanang tainga si Reyes habang sa kaliwang palad naman ang tama ni Magbojos.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Matapos ang insidente, umalis ang suspek sakay ng tricycle at natagpuang patay dakong 8:00 ng umaga.

Ayon sa pulisya, bago ang insidente ay sinasabing madalas mag-away ang mag-asawa dahil sa selos. (Lyka Manalo)