SCIENCE CITY OF MUNOZ, Nueva Ecija — Tatlong babaeng miyembro ng “salisi gang” ang naaresto ng mga pulis sa 5OD General Merchandise, Vegetables Section, Public Market, Poblacion West sa lungsod na ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng Munoz Police ang mga suspek na sina Jackielyn De Vera y Ballesteros, 26, dalaga; Janice Cabuang y De Vera, 23, dalaga; Thelma Sampaga y De Vera, 22, at Jane Doe na nakatakas, pawang mga residente ng Purok 2, Barangay Bulusan, San Carlos City, Pangasinan.

Sa pagsisiyasat ni PO1 Isee Lloyd Corpuz, dakong 11:20 ng umaga nang pumasok ang apat na babae sa loob ng nasabing establisimyento at isa-isang nagtanong ng mga presyo ng mga kalakal sa eskaparate.

Dahil abalang-abala ang store attendant sa mga inaakalang customer, tinangay ni Thelma bag nito at pinagpasa-pasahan ng tatlong kasamahan. Nakuha sa loob ng bag ang O+ cellphone, ID ng 4Ps, P5,500 cash at iba pa.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bago nakalabas ng pinto ay may tumawag ng pulis at kaagad na naaresto ang tatlo ngunit nakatakas ang isa sa kanila.

Nakapiit na sa Munoz Police Station Female custodial facilities ang tatlo para sa kasong pagnanakaw.

(Light A. Nolasco)