Disyembre 9, 1993 nang matapos ang makasaysayang repair mission ng Hubble Space Telescope (HST). Ito ay naging matagumpay, ang isinagawang pagsasaayos ay kinapapalooban ng iba’t ibang space walks, at tinapos nina Story Musgrave at Jeffrey Hoffman ang pinakamahabang misson walk. Gumugol sila ng pitong oras at 21 minuto sa pagtatapos ng pinakahuling task sa 40-talampakang solar panels.

Nagkaroon ng maliit na problema sa konstruksiyon ng $1.55 bilyong telescope, dahilan upang maging manipis ang mirror flatter na kasing nipis ng buhok ng tao. Ang telescope ay maaaring mag-transmit ng out-of-focus images.

Taong 1990, dinala ang space telescope sa orbit sa pamamagitan ng space shuttle.

Ang 2.5-metrong telescope, HST ay halaw mula sa pangalan ng astronomer na si Edwin Hubble, may ginampanang mahalagang papel sa pagtatag ng filed of extragalactic astronomy.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!