Higit na pinalawak ang Star City sa pagbubukas ng open-air annex nito na nagtatampok ng iba’t ibang rides para sa mga bata.

Bagamat kilala ang Star City bilang natatanging all-weather theme park sa bansa, ang pagbubukas ng annex nito sa labas ay higit na magbibigay kasiyahan sa mga bisita, lalo na sa gustong sakyan ang Kiddie Wheel, Quack Quack, Star Frisbee, at magkaro sa inflatable Fun City.

Sa bagong rides, tampok sa Road Race ang mga sasakyang pangarera na umiikot at nagpa-pop pataas-pababa.

Ang mini-pirate ship naman ay waring bangkang Viking sa pag-swing mula kaliwa hanggang kanan sa maximum na anggulong 60 degrees, na ang pakiramdam ng sumakay ay waring nawalan ng timbang.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

At ang Italian-made na Music Express ay hawig sa Caterpillar ride, pero umaatras-abante nang pabilis nang pabilis.