Angel Locsin copy

NAG-POST si Angel Locsin ng pictures niya sa Instagram (IG) bago siya dalhin sa operating room sa isang hospital sa Singapore para sa procedure na gagawin sa kanyang may diperensyang likod.

Sa first picture na ang kasama lang ay isang nurse, ang caption ni Angel ay, “Photo taken earlier before the procedure:) I’m still a little bit groggy and sore but happy & thankful tapos na ang fist stage of the procedure:) thank you all for the prayers! Hoping this is it na!”

Sa second picture, kasama naman niya ang Filipino nurses at ang caption niya ay, “Another photo taken before heading to lab with the Filipino nurses who took really good care of me:) thank you so much! Mabuhay kayo!”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Wala pang update si Angel pagkatapos ng sinabi niyang procedure na ginawa sa kanya at sa kanyang likod. Siguro naman, successful ang operasyon sa kanya at pagbalik niya ng Pilipinas, okay na siya at wala na ang “disc bulge” na nagbibigay sa kanya ng intense back pain.

Makatutulong sa mabilis na paggaling ni Angel ang “get well soon” wishes from her fans at sa ibang nagmamahal sa kanya. Iyon nga lang, umaasa ang kanyang fans na si Angel pa rin ang gaganap na Darna at ang request nga nila kay Direk Erik Matti ay hintayin ang paggaling ng aktres.

Nakausap namin si Direk Erik a few days ago at nabanggit na wala pang aktres na napipili ang Star Cinema para gumanap na Darna. Kailangan daw matangkad at may boobs dahil sexy ang costumes. (NITZ MIRALLES)