BABAERO pala talaga ang sikat na aktor, iba-iba ang babaeng kasama niya sa set ng programa niya sa kilalang TV network.

Kuwento mismo ng mga staff ng programa, naguguluhan sila kung sino ang tunay na girlfriend ng sikat na aktor. Kamakailan kasi ay ibang babae ang kanyang kasama (na hindi pinababa sa kanyang kotse) sa out of town taping ng programa.

Pero hindi sinasadyang napadaan ang ilang staff ng programa sa kinapaparadahan ng sasakyan ng sikat na aktor kaya nakita nila na ibang babae ang kasama nito, hindi ang palagi nitong kasama na nakikita nila.

Sabi namin, baka break na sila nu’ng dating girlfriend na kilala sa fashion industry.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Sabi ng mga spy namin, ang bagong babaeng kasama ng sikat na aktor ay, “simple, maputi, may dating naman.”

Actually, napansin din namin na walang partikular na tipong babae ang sikat na aktor. Iba-iba ang hitsura ng girls na nakakarelasyon niya, mayroong maputi, tisay, morena, mahaba ang buhok, maiksi ang buhok, maganda, simple, maliit at matangkad.

Ano kaya ang hinahanap ng sikat na aktor sa babae at hindi nagtatagal ang mga nakakarelasyon niya?

O baka naman kasi hindi pa nagsasawa sa pambababae ang sikat na aktor kaya siya iniiwan ng mga nagiging dyowa niya.

“Feeling ko nga, love pa rin ni _____ (sikat na aktor) ‘yung dating dyowa niya (na artista rin),” sabi ng staff ng programa ng sikat na aktor. —Reggee Bonoan