BEIRUT (AFP) – Pinuri nitong Sabado ng Islamic State ang mga nagsagawa ng mass shooting sa California sa Amerika at tinawag na “soldiers” ng caliphate ng grupo, nang hindi direktang inaako ang pag-atake.

Sa English-language radio broadcast nito, pinuri ng IS ang pamamaril na ikinasawi ng 14 na katao at ikinasugat ng 21 iba pa.

“Two soldiers of the Khilafah (caliphate) executed an attack on the Inland Regional Centre in San Bernardino, California,” isinahimpapawid ng IS radio sa English.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'