Kumain ng alikabok ang ibang kandidato sa pagkapangulo sa 2016 elections mula kay Senator Miriam Defensor Santiago sa survey ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB) para sa mga presidential candidate.

Sinabi ni Santiago na ang kanyang “landslide victory” sa UPLB survey ay patunay na malakas ang kanyang hatak sa kabataan, na bumubuo sa halos 37 porsiyento ng botante sa bansa.

Lumitaw sa survey ng UPLB noong Nobyembre 26 na 1,507 estudyante mula sa kabuuang 2,292 survey respondent, o 65.75 porsiyento, ang boto sa kandidatura ni Santiago.

Milya-milya naman ang lamang ni Santiago kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na nakakuha ng 18.32 porsiyento.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang tatlo pang prominenteng kandidato na nakakuha ng mababa sa limang porsiyento ay sina Mar Roxas, ng Liberal Party, 4.97 porsiyento; Grace Poe, 4.36%; at Vice President Jejomar C. Binay, 2.01%.

Habang nasa Roma, pinasaringan ni Pangulong Aquino ang mga katunggali ni Roxas na walang “k” na maupo sa Malacañang dahil sa pagkakasangkot sa kaliwa’t kanang katiwalian, kakulangan sa karanasan at pagkakasangkot sa krimen.

“The candidate with the greatest youth support has greater chances of winning, not only because of the sheer size of the youth vote, but also because of their persuasive power. People listen to the young, because it is their future at stake,” pahayag ni Santiago.

‘’That means that even only 75 percent of youth votes can give a candidate 15 million, close to the number that made Benigno Aquino III president in 2010,’’ paliwanag ng senadora. (Mario B. Casayuran)