CAMP JUAN, Ilocos Norte – Nasawi ang isang lalaking negosyante at isa pa ang bahagyang nasugatan matapos pagbabarilin ang una sa Barangay 7 Alejo Malasig sa Vintar, Ilocos Norte, magtatanghali nitong Biyernes.

Sinabi ng pulisya na agad na nasawi si Roger Soriano y Cacal, 47, ng Sitio Nasbatan, Bgy. 34, Isic-isic, Vintar, Ilocos Norte; habang nagtamo naman ng mga galos si Russel Laeño y Agcaoili, 39, tricycle driver, ng Bgy. 23, Dipilat, Vintar.

Napaulat na 11:00 ng umaga at lulan si Soriano sa tricycle ni Laeño patungong Laoag City para ibenta ang mga alaga niyang baboy nang pagbabarilin siya ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Inaalam pa ang motibo sa krimen. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito