Itataya nina Rafael Poliquit Jr at ang ipinagmamalaki ng Cebu na si Mary Joy Tabal ang kanyang dalawang sunod na korona sa paghahangad na masungkit muli ang pinag-aagawang tropeo sa pagsikad ngayon ng 39th National Milo Marathon Finals sa Angeles, Pampanga.

Inihayag ni Tabal, na silver medalist sa women’s full marathon sa nakaraang taon na Southeast Asian Games, ang kanyang kahandaan para sa ninanais nito na ikatlong sunod na titulo at ang karapatang makatakbo sa pinakaunang pagkakataon sa kinikilalang Boston Marathon. e.

“Alam ko po na mabigat ang labanan ngayon kaya naghanda din po ako para sa karerang ito,” sabi ng mula sa Barangay Guba sa Cebu City na si Tabal.

Makakasama ni Tabal ang mga cebu Qualifying leg champion na si Noel Tillor at Ruffa Sorongon sa national finals. (Angie Oredo)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!