Aapela pa rin sa hukuman ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng inilabas na temporary restraining order (TRO) ng korte ng Quezon City laban sa operasyon ng kontrobersyal na app-based transport services na Uber at GrabCar.

Sa isang television interview, binanggit ni LTFRB Chief Winston Ginez na hinihintay lang nila ang kopya ng TRO mula sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC), bago sila gumawa ng hakbang laban sa nasabing kautusan.

Sa kabila ng TRO, iginiit pa rin ni Ginez na itutuloy pa rin nila ang proseso ng mga bagong application para sa online private vehicle booking services.

Kapag, aniya, natanggap na nila ang kopya ng TRO ay maghahain din sila kaagad ng motion for reconsideration.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Nilinaw din niya na ipinaiiral pa rin ng LTFRB ang moratorium sa pagpapalabas ng prangkisa para sa mga hindi app-based transport services. (Rommel P. Tabbad)