Jelani Maraj

MINEOLA, N.Y. (AP) — Inaresto ang nakatatandang kapatid ni Nicki Minaj dahil sa akusasyon na hinalay umano nito isang batang babae, tinatayang nasa 13 taong gulang, nang paulit-ulit sa simula Abril hanggang Nobyembre.

Sinampahan ng kaso si Jelani Maraj, 37, ng Baldwin, nitong Huwebes sa Long Island hospital ng first-degree rape at first-degree sexual conduct, ayon sa opisyal ng Nassau County court.

Hindi pa natutukoy kung naghain ng plea si Maraj, ngunit siya ay nakapagpiyansa sa halagang $100,000. Hindi nagbigay ng komento ang kanyang abogado mula sa New York.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Base sa mga dokumento sa korte, ang bata ay hindi pa tumutuntong sa edad 13 at paulit-ulit umano itong hinalay ni Maraj. Ang iba pang detalye ay hindi na ibinigay ng judge.