Disyembre 6, 1768 nang mailathala ang unang volume ng Encyclopedia Britannica’s first edition bilang “A Dictionary of Arts and Sciences, compiled upon a New Plan,” sa Edinburgh, Scotland. Ang encyclopedia ang pinakamatandang English-language encyclopedia na mabibili pa rin ngayon.
Ang bookseller at printer na si Colin Macfarquhar at engraver na si Andrew Bell, kapwa mula sa Edinburgh, ang nagbuo ng encyclopedia, at ang Scottish Enlightenment ang kanilang inspirasyon. Si William Smellie ang editor at inalok siya ng 200 pounds upang gawin ang 100-bahagi ng encyclopedia.
Natapos ang Encyclopedia Britannica noong 1771, na may 2,391 pahina. Ito ay binuo bilang reaksiyon sa “Encyclopedie” ni Denis Diderot.
Ang Encyclopedia Britannica ay kinapapalooban ng 40 “treatises” sa arts and sciences, na may iba’t ibang numero ng pahina at ilang cross references.
Ito ay inisyu sa 15 edition at available na rin bilang computer software.