Hinangad ni Kobe Bryant na mabigyan ang Atlanta fans ng isang matinding paglalaro, subalit nabigo ang paparetiro na NBA star.

Ito ay matapos na umiskor si Al Horford ng 16-puntos habang nagdagdag sina Paul Millsap at Kent Bazemore ng tig-15 puntos upang tulungan ang Hawks na talunin ang Los Angeles Lakers, 100-87, Biyernes ng gabi, upang dismayahin ang huling paglalaro ni Bryant sa Atlanta.

‘’We played well, came out in the second half and competed well and got within striking distance,’’ sabi ni Bryant. ‘’Unfortunately, the game slipped away from us in the last three minutes.’’

Nasa ikatlong laro nito matapos ihayag ang kanyang pagreretiro, umiskor si Bryant ng 14-puntos sa 4-for-19 shooting.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nanguna si Lou Williams sa naghihingalong Lakers, na hindi nakatikim sa abante, na may 18-puntos.

Nagpakita muli si Bryant ng kanyang dominanteng paglalalaro at husay, sa pagtataas ng kanyang dalawang kamay matapos makapagpasok ng magkakasunod na 3-puntos na nagtulak sa pinakamalakas na katuwaan sa mga nanood sa napuno na Philips Arena sa kalagitnaan ng ikatlong yugto.

Ang ikalawa nitong buslo ay naglapit sa Lakers sa pitong puntos na paghahabol bago nagawa pa lumapit sa apat na lamang sa natitirang 5:59 segundo sa laro matapos ang pasa ni Bryant para sa isang tres ni William.

Matapos ang laro ay naglakad si Bryant sa gitna ng court upang bigyan ng ngiti at yakap si Kyle Korver, ang ika-13th tsong beterano sa pagpapalitan ng kani-kanilang paghanga.

‘’It’s fun to get out there and play,’’ sabi ni Bryant. ‘’Even though my body is sore, this moment is not coming again. Pulling up to the arena, getting ready for the game. It’s not going to happen again. Walking down the tunnel and so forth. It’s important to enjoy these moments as much as possible.’’

Inaasahan na naman ang resulta ng laro base sa edad ni Bryant at estado ng nanghihina nitong koponan bagaman hindi napigilan si Hawks coach Mike Budenholzer na magbigay respeto sa pagbibigay sa kanyang pinakamagaling na tagabantay na si Thabo Sefolosha sa 17-time All-Star.

Nahirapan sa buong laro si Bryant bagaman ang kanyang pull-up jumper kontra kay Sefolosha ang naglapit sa abante sa 87-83, may 4:46 na lamang.

Umiskor si D’Angelo Russell ng kabuang 16-puntos at 10 assist para sa Lakers, na nahulog sa 3-16, na siyang pinakamasaklap na kartada sa Western Conference at ikalawang pinakapangit na karta sa pangkalahatan.

Nagtala naman si Mike Scott ng kabuuang 14-puntos at Jeff Teague ay nagdagdag ng 13 para sa Atlanta, na umangat sa 13-9 panalo-talo. (ANGIE OREDO)