ALEX AT CARLO copy

(Editor’s note: As we promised yesterday, ito na ang bigtime bukingan.)

MAY “ka-exclusively dating” na si Alex Gonzaga, kaya nang mainterbyu namin sa presscon ng MMFF entry niyang Buy Now, Die Later ay nagkomento kaming nag-asawa lang si Toni at bumukod na ng tirahan, nagdyowa na siya.

“Eh, kailangan na natin siyang (Toni) palitan sa buhay ko. ‘Pag may nawawala, may pumapalit. Gusto naman ni Ate kasi minsan ginagawa niyang driver, nagpapasundo, service vehicle kasi ‘yung dala-dala niya (guy).”

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Guwapo?

“Okay lang, sapat lang sa akin. Ipapakilala ko siya sa takdang panahon.”

Ano ang profession?

“Ano siya, professional,” tumawang sagot ng dalaga. “Actually, nag-aaral ulit siya, kumukuha ng Law sa Ateneo, second course na niya ito.”

Nalaman naming tapos na ng Psychology ang lucky guy.

Matatanggap ba ng parents niya na magpapakasal na rin siya soon?

“Hindi muna, siguro mas tanggap nila kung magka-baby muna, wow, joke lang! Mga after two years pang single, so, Siya (Diyos) na’ng bahala kung ano ang gusto Niya.”

Katulad noong mag-boyfriend ang kanyang Ate Toni at si Direk Paul Soriano, hindi sila puwedeng mag–out of the country na hindi pa kasal. Kaya patuloy niyang pangangalagaan ang virginity niya.

“Hmmm… oo, pero siyempre namumulaklak (in love) ka na rin naman, siyempre gusto mo na ring ipakita ‘yung mga bulaklak, pero hindi pa rin talaga puwede, pilas-pilasin na lang ang mga petals, chicharon bulaklak pala,” humahalakhak na sagot ng dalaga.

Singkit ba ang guy, kasi natatandaan namin na ito ang mga tipo niya.

“Yes, Ate Reggee, singkit siya, Chinese-looking. Actually, Chinese siya,” sagot ni Alex.

Siguradong hindi dugyot (marumi).

“Oo naman, isa lang naman ang nagustuhan kong dugyot, ha-ha-ha! Ano ba, tigilan mo na ako,” tumatawang sabi ng dalaga.

Hindi na namin babanggitin kung sino ang tinutukoy ni Alex, dahil masaya na raw siya sa guy na ka-exclusively dating niya.

So kailan niya sasagutin ang guy?

“Saka na.”

Nag-imbestiga kami at nalamang pure Chinese ang lucky guy named Carlo Chungunco na nang i-check namin ang Facebook account ay litrato nila ni Alex ang profile photo. Sa madaling salita, pormal na silang mag-boyfriend at hindi exclusively dating lang.

Editor’s note: May very reliable source tayo na nagsabing super rich si Carlo, sa Forbes Park nakatira ang pamilya.

Maraming naka-post sa timeline ni Carlo na tungkol sa kotse at nalaman naming nagre-review pala siya ng iba’t ibang sasakyan.

Samantala, niloloko pala ni Vhong Navarro si Vice Ganda na kasama na niya si Alex na naging lucky charm nito sa Praybeyt Benjamin 2 kaya tiyak na dala-dala nito ang suwerte sa Buy Now, Die Later.

Kuwento ang horror comedy movie tungkol sa isang antique shop na pinamamahalaan ni TJ Trinidad na magaling mang-akit ng mga namimili, pero lahat ng paninda ay may dalang sumpa na pagsisimulan ng lahat ng katatawanan at katatakutan sa pelikula.

Bukod kina Alex, TJ at Vhong ay kasama rin sina Rayver Cruz, John ‘Sweet’ Lapus, Lotlot de Leon, at introducing ang anak ni Balot na si Janine Gutierrez. (REGGEE BONOAN)