Kritikal ngayon ang kondisyon sa pagamutan ng isang 35-anyos na ginang matapos siyang saksakin ng kanyang live-in partner habang himbing siyang natutulog sa kanilang kuwarto sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Patuloy na inoobserbahan sa Pasay City General Hospital si Mary Grace Saut, ng No. 154 Setiembre Street, Barangay 195, Zone 20 ng nasabing lungsod, dahil sa tatlong saksak sa dibdib, kaliwang kili-kili at kanang hita.

Nagkasa ng manhunt operation ang mga pulis laban sa tumakas na si Sherwin Rait, 37.

Sa ulat ni Senior Insp. Remedios Terte, hepe ng Women and Children’s Protection Desk, dakong 1:35 ng umaga nang samantalahin ng suspek ang mahimbing na tulog ng biktima sa kuwarto at tatlong beses itong sinaksak.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Matapos ang krimen ay agad umalis ng bahay ang suspek dala ang patalim, habang isinugod naman sa ospital ng mga kaanak ang biktima.

Hinihintay naman ng awtoridad na gumaling ang biktima bago ito hingan ng pahayag ukol sa insidente at malaman ang motibo ng pananaksak ng suspek. (Bella Gamotea)