KUALA LUMPUR, Malaysia (AP) — Inaprubahan ng Malaysian Parliament ang security law na nagbibigay ng malawak na security power sa isang konseho na pinamumunuan ng prime minister, ang aksyon na binatikos ng rights groups at mga kritiko na isang hakbang tungo sa diktadurya.

Ang National Security Council bill ay ipinasa noong Huwebes ng gabi sa majority vote matapos ang ilang oras na debate, nagpahayag ng pangamba ang mga mambabatas ng oposisyon na mayroon na ngayong kapangyarihan ang prime minister na magdeklara ng state of emergency nang hindi na hinihingi ang pahintulot ng Hari ng Malaysia.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture