“DIYOS lamang ang tanging nakakaalam ng sagot sa mga tanong na ito!” Ito ang sinulat ng isang college student sa kanyang papel sa kanyang pagsusulit bago ang Christmas vacation.
Nagbigay ng grado ang kanyang guro at isinulat ito: “Si Lord ay may 100 points, at ikaw ay 0. Maligayang Pasko!”
Ang ikalawang Linggo ng Adbiyento ay tungkol sa paghahanda. Ang propetang si Baruch (sa unang pagbasa) at si John the Baptist ay nag-usap tungkol sa pagpapagawa at pagpapaayos ng kalsada: “Make the ground level,” “straighten the crooked ways” (Baruch 5,8; Lk 3,5).
Sila ang nagpapaalala sa atin sa mga opisyal ng Public Works and Highways na ayusin ang lubak-lubak na kalsada at marurupok at makitid na daan!
Ang pagiging makasarili, gahaman, katamaran, pride at negatibong pag-uugali natin ay ang mga dahilan ng ating paghihirap at kahihiyan n gating bansa. Halimbawa na lamang ang mga sangkot sa multi-milyong “pork barrel” scam, overpriced at mga ghost project.
Malayo na sana ang mararating ng limpak-limpak nap era katulad ng pagpapagawa ng eskuwelahan, gusali, pagpapaunlad ng mga government hospital, libreng medical supplies at serbisyo para sa mahihirap.
Idagdag mo pa riyan ang hindi makatarungang kaso ng pagpatay at salvage?
Naisip manlang ba ng mga taong gumagawa nito ang paghihirap na dinadanas ng kanilan mga nabibiktima?
Ganito rin ang kaso ng isang asawa na galante pagdating sa kanyang mga barkada, ngunit walang pera para sa pambili ng pagkain ng kanyang nagugutom na mga anak.
Ayon nga sa isang kasabihan, “Practice makes perfect.” Subukan maging mapagmahal at maalagang tao na ginawa ng Panginoon.
Iyan ang paanyaya at hamon sa atin ngayong panahon ng Adbiyento. (Fr. Bel San Luis, SVD)