Nagtala ng double-double 17-puntos at 18 rebound ang Season 78 MVP na si Afril Bernardino upang pangunahan ang National University (NU) palapit sa hangad na makumpleto ang ikalawang sunod nilang perfect season matapos nitong gapiin ang Ateneo, 91-59, sa unang laro sa finals ng UAAP Season 78 women’s basketball tournament sa MOA Arena.

Dominado ng Lady Bulldogs ang laban at katunayan ay nagtala sila ng kalamangan na umabot hanggang 38-puntos para sa kanilang pagposte ng ika-38 sunod na panalo magmula noong nakaraang taong elimination round.

Nanguna naman para sa nabigong Lady Eagles si Katrina Guytingco na nagtapos na may 14-puntos kasunod si Danica Jose, isa sa mga miyembro ng Mythical Team, na natgtala ng 13-puntos at 10 rebound.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dahil naman sa kabiguan, naputol ang sariling winning run ng Lady Eagles sa limang laban magmula eliminations kung saan tumapos silang 4th seed.

Ang Iskor: NU

(91) – Bernardino 17, Paig 16, Gupilan 14, Miranda 9, Tongco 6, Itesi 6, Antiquera 5, Nabalan 4, Harada 4, Sison 3, Riel 3, Animam 2, Del Carmen 2, Abriam 0, Reyes 0, Layug 0.

Ateneo

(59) – Guytingco 14, Jose 13, Aseron 9, Go 7, Yam 6, Deacon 4, Tomita 3, Buendia 2, Javier 1, Nitorreda 0.

Quarterscores:

21-10, 43-20, 65-36, 91-59