JENNYLYN AT JERICHO copy

NAKA-POST na sa Facebook ang trailer ng #WalangForever nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales na idinirek ni Dan Villegas at parang English Only ang dating dahil may narrator din.

Drama-comedy ang pelikula at parang walang bago sa acting at pagpapatawa ni Jennylyn na napanood na sa English Only, Please at The PreNup, pero mabenta pa rin para sa amin dahil ang galing talaga ng timing niya sa comedy. At higit sa lahat, ang ganda niyang panoorin sa screen.

As expected, magaling talagang actor si Jericho, mapa-drama o comedy. Pero sa #WalangForever mukhang ipapakita na naman niya ang kahusayan niya sa drama. Hindi lang namin gusto ang bago niyang haircut na may naka-umbok sa bumbunan.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

#WalangForever ang titulo ng pelikula kaya’t more or less ay parang alam na ng lahat ang itatakbo ng kuwento lalo’t sa bandang huli ng trailer ay ibinenta na lahat ni Echo ang ari-arian niya at sa ibang bansa na siya maninirahan at nagbilin siya na alam naman daw ng katiwala niya kung nasaan siya.

At dahil si Direk Dan ang nagdirek at si Direk Antoinette Jadaone naman ang creative director, hindi maiiwasang ihalintulad ito sa English Only, Please na magkatuwang din nilang ginawa.

Nakakatuwa dahil magkalaban sa MMFF ang magdyowang director. Tiyak na magkakatanungan ang moviegoers kung anong pelikula ang mas maganda, ang #WalangForever ni Direk Dan o ang All You Need is Pag-ibig ni Direk Tonet?

Gusto namin ang istilo nina Direk Dan at Direk Tonet, kaya pareho naming panonoorin ang pelikula nila.

(REGGEE BONOAN)