KIEV, Ukraine (AP) — Hinimok ng World Health Organization ang health ministry ng Ukraine na magdeklara ng state of emergency dahil sa polio outbreak, inudyukan ang mas maagap na pagkilos sa gobyerno sa Kiev.

Noong Setyembre, inanunsyo ng Ukraine ang dalawang kaso ng polio— ang una sa Europe simula 2010.

Inirerekomenda ng U.N. health agency na magdeklara ang Ukraine ng state of emergency at “respond to the polio outbreak as quickly and effectively as possible,” sabi ni Dorit Nitzan, pinuno ng opisina ng WHO sa Ukraine, sa mamamahayag.

Kalahati ng mga bata sa Ukraine ay hindi nabakunahan laban sa polio.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'