Pink copy

NAPILI ang pop star na si Pink bilang bagong UNICEF Ambassador upang tumulong sa pagsusulong at paghikayat sa mga bata sa United States na makilahok at makiisa sa mga gawaing pisikal at pati na rin ang paglalaan ng pera para sa usaping pangnutrisyon, katulad ng vitamin-rich peanut paste na ipadadala sa mga batang nagugutom sa buong mundo.

Personal na nakahalubilo ng singer ang mga batang kulang sa timbang nang bumisita siya sa Haiti kamakailan bilang bahagi ng programa ng UNICEF na layong maipamahagi ang therapeutic food packets sa mga batang nangangailangan.

“I got to watch mommas learning how to feed it to their kids,” pahayg ni Pink sa isang phone interview mula sa California. “And within a week, you can see the difference in these children. It brings them back to life. It’s amazing.”

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Si Pink ang national spokeswoman ng UNICEF Kid Power Band, isang child-friendly fitness band na humihikayat na mag-ehersisyo sa pamamagitan ng interactive app. Ang mga bata ay makakakuha ng points sa kanilang pisikal na paggalaw katulad ng 12,000 hakbang sa loob ng isang araw. Sa pagkakaroon ng maraming puntos, maglalaan ng pondo ang UNICEF’s partners, kabilang na ang Target, Disney, at Star Wars: Force for Change, para suportahan ang pangangailangan ng mga bata sa buong mundo tulad sa Haiti.

Ayon kay Pink, na may anak na babaeng apat na taong gulang sa kanyang asawa na si Carey Hart, ang kanyang naranasan sa Haiti ang nagpatibay sa kanyang adhikain para sa proyekto ng UNICEF. Bumisita siya sa Port-au-Prince nitong summer, at nakita ang mga bata na muling naging malusog sa mula sa matinding pagkagutom sa tulong ng food packets.

“When you get to see it with your own eyes and you see that something works, then it’s a lot easier to get behind and advocate for it and try to make other people aware of it,” pahayag ni Pink.

“They found a brilliant way, and a fun way, to get kids here involved and empowered and motivated,” dagdag pa ni Pink. “And they are also turning them into global citizens and they get to be hands-on.”

Ang Grammy-winning singer ay nababagay na ehemplo para sa nasabing programa ng UNICEF na humihikayat sa mga bata na makiisa sa mga pisikal na aktibidad at ehersisyo.

Katunayan, ang kanyang anak na si Willow ay sumusunod sa kanyang yapak. Sa kanilang tahanan, ang kanyang anak ay tumutugtog gamit ang smaller kid-sized version na ginagamit niya tuwing may pagtatanghal.

“I put a silk in her room, so she is spinning nine times out of 10,” kuwento ni Pink. “It’s kind of amazing.” (AP)