KEN copy copy

NANGGALING pala kay Ken Chan ang idea na ‘pag natapos ang airing ng Destiny Rose, magpagpag siya sa transwoman karakter na kanyang ginagampanan sa transerye. Ang dad niya yata ang nag-suggest na sa Hong Kong sila pumunta.

Kaya lang, next year pa makakapagpagpag si Ken dahil hanggang March 2016 pa ang airing ng transerye. Extended kasi sila ng six weeks. Kapag nagpatuloy ang taas ng ratings at “maingay” na feedback sa Destiny Rose, baka mas ma-extend uli ito ng ilang weeks pa. Baka maging The Half Sisters din ang itakbo nito.

Natawa kami sa nalamang worried na ang mom ni Ken na baka matuluyan maging beki ang anak after ng Destiny Rose. Pero sabi naman ni Ken, lalaking-lalaki pa siya at may role lang na ginagampanan at habang umeere ang transerye, lagi siyang in character. Hindi na nga maalala ni Katotong Ambeth Nabus ang mukha ni Ken at si Destiny Rose ang napi-picture niya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Bukod sa glam team ko, vocal and acting coach, sina Katrina at Sheena Halili, tinutulungan din ako ni Sir Michael de Mesa ng tamang acting ng isang transwoman. Magkasama kami ng tent, kaya nakakapag-usap kami at ang sarap niyang kaeksena. Ginagabayan niya ako kung tama o sobra ang ginagawa ko” wika ni Ken. (Nitz Miralles)