Inihayag ni Pope Francis na ang fundamentalism ay “disease of all religions”, kabilang ang Simbahang Katoliko, sa kanyang pagbabalik mula sa paglilibot sa tatlong bansa sa Africa upang mangaral tungkol sa pagkakasundu-sundo at pag-asa.

“Fundamentalism is always a tragedy. It is not religious, it lacks God, it is idolatrous,” sinabi ng Argentine pontiff sa mga mamamahayag na kasama niya sa eroplano sa pagbibiyahe nila mula sa Central African Republic.

Sa huling bahagi ng kanyang unang biyahe sa Africa, nanawagan ang leader ng 1.2 bilyong Katoliko sa mundo sa “brothers and sisters” na Kristiyano at Muslim na tuldukan na ang sectarian conflict na nagpawatak-watak sa bansa.

“Together, we must say no to hatred, to revenge and to violence, particularly that violence which is perpetrated in the name of a religion or of God himself,” sabi ni Pope Francis.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture