Pinataob ng Pateros Austen Morris ang Marikina Wangs, 83-74, upang makahakbang palapit sa pagkopo ng inaasam na semifinal spot sa Filsports Basketball Association (FBA) Second Conference sa Marikina Sports Center noong Sabado ng gabi.

Nagtala si Jawhar Purdy ng game-best 32-puntos at 9 rebound para pangunahan ang Associates sa pag angat sa solo third spot hawak ang barahang 4-5, panalo- talo.

Isang panalo na lamang ang kailangan nila upang pormal na umusad sa Final Four round.

Tinalo ng Pampanga Foton at ng Manila National University-MFT ang Malolos Mighty Bulsu, 80-70, at Quezon City UP Fighting Maroons, 61-42, para manatiling magkasalo sa kartadang 7-2.

PBA 4-point shot, ekis kay 7x NBA Champion Robert Horry

Samantala, nagkasundo ang FBA sa panumuno ng kanilang presidente at CEO LJ Serrano at si Eagle Broadcasting Corporation president Jorge Cabacungan na maipalabas ang mga FBA games sa Net 25 at kanilang mga affiliate international channels na Aksyon TV, Aksyon International at Fox Sports International. - Marivic Awitan