Jennylyn Mercado copy

SA 2016 ay magiging Kapamilya na raw ang mga Kapuso na sina Regine Velasquez at Jennylyn Mercado.

Ito ang tsika sa amin ng isang kilalang talent manager.

Ayon pa sa source namin, almost a month na raw ang pag-uusap ng mga kampo nina Regine at Jennylyn at ng mga “executive” ng Dos. May mga inilatag na nga raw na mga programang gagawin nina Regine at Jennylyn sa susunod na taon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Siyempre, tiyak daw na idadagdag si Regine sa ASAP at si Jennylyn naman bukod sa teleserye ay maaaring isasabak din sa hosting ng mga bagong talent search ng network.

Ayon pa sa source, welcome naman daw si Regine sa mga taga-Kapamilya lalung-lalo na ang mga kapwa niya singers na kagaya nina Sarah Geronimo, Angeline Quinto, Martin Nieverra, Gary Valenciano at iba pa.

Binanggit din ng source na matagal na rin daw namang pangarap ni Jennylyn na mapabilang sa Kapamilya stars. May kung ilang beses na rin daw namang napigilan ang aktres ng mga bossing ng Siyete, huh! (JIMI ESCALA)