Taliwas sa naunang inilabas nilang schedule, sisimulan ng defending women’s champion Arellano University (AU) ang pagtatanggol sa kanilang titulo kontra event host Letran sa pambungad na laro ngayon sa pagbubukas ng 91st NCAA women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Inaasahang mamuno sa kampanya ng Lady Chiefs si Christine Joy Rosario sa pagbubukas ng kanilang kampanya ngayong ika-9 ng umaga na siya ring magpapasimula sa nakataldang five-game bill na kinabibilangan ng tapatan ng Emilio Aguinaldo Lady Generals at San Beda Lionesses na inilipat sa ikalawang laro buhat sa dating itinakdang unang salpukan.

“Sana magawa naming makaulit,” ani Arellano coach Obet Javier.

Sa iba pang mga laban, magtutuos ang University of Perpetual Help at last year losing finalist San Sebastian College (SSC) sa pangatlong laro na susundan ng tapatan ng Lyceum of the Philippines University at Mapua bago ang tampok na laban sa pagitan ng St. Benilde at Jose Rizal University (JRU).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Samantala, sisimulan ng defending men’s champion Emilio Aguinaldo ang kanilang back-to-back title campaign sa pagsagupa nila sa San Beda ganap na ika- 8 ng umaga kinabukasan habang magsisimula naman ang aksiyon sa juniors division sa Disyembre 5 kung saan defending champion ang Perpetual Junior Altas. - Marivic Awitan