Pitong indibiduwal, kabilang ang tatlong wanted personality, ang naaresto ng mga tauhan ng Pasay City Police sa “one-time big-time” anti-criminality campaign sa siyudad.

Kinilala ni Pasay Police Chief Senior Supt. Joel Doria ang mga naaresto na sina Jessifer Perez, ng No. 107 R. Higgins St., may warrant of arrest sa kasong murder; Donnie Martin Nacar, ng No. 523 Dimasalang St., Maypajo, Caloocan City, may warrant sa paglabag sa RA9262 (Anti-Violence Against Women and Children); at Jose Labadia, ng No. 1836 Rodriguez St., may warrant of arrest sa frustrated murder.

Kulungan din ang bagsak nina Manuel Buhay, 45, ng No. 13 De Agosto St., Pasay City; Vincent Labasteda, alyas “Bay”, 40, barker, ng Batangas St., Pasay City; Marian Basas, 18, ng No. 8544 Kaong St., San Antonio Village, Makati City; at Anthony Del Rosario, 24, sidecar boy, ng No.953 G. Dolores St., Dominga, Malate, Manila.

Dakong 9:00 ng umaga nang simulan ang anti-criminality operation sa pangunguna ni Chief Insp. Carlito Narag, sa Tramo, Pasay City.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagsagawa rin ang awtoridad ng “Oplan Sita” sa naturang lugar, sa tulong ng lokal na traffic enforcer, na ikinaaresto ng anim na motorist na kinabibilangan nina Christopher Glor, Jun Jagong, Aldwin Abaya, Victor Flores, Manolo Libona, at Albert De Leon, pawang tricycle driver at nahaharap sa iba’t ibang paglabag, gaya ng pagmamaneho nang walang lisensiya at walang rehistro ang sasakyan. (Bella Gamotea)