TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Nasa 55 residente mula sa dalawang barangay sa Naguillian, Isabela, ang napaulat na nalason sa pagkain, ayon sa local health office.

Kinumpirma nitong Biyernes ni Dr. Maricar Capuchino, municipal health officer ng Naguillian, na 55 residente mula sa mga barangay ng Santa Victoria at Bagong Sikat, parehong sa Naguillian, ang maayos na ngayon ang lagay.

Sinabi ni Capuchino na hinihintay na lang ng kanyang tanggapan ang resulta ng pagsusuri ng Department of Health (DoH)-Cagayan Valley Region, sa dahilan ng pagkalason sa pagkain ng mga biktima.

Napaulat na dumanas ang mga biktima ng pagkahilo, sakit ng tiyan, pagsusuka, at panghihina matapos silang kumain ng tulingan na niluto nila matapos bumili sa isang naglalako nito sa nabanggit na mga barangay.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Ilan sa mga residente ang agad ding nakalabas sa ospital matapos lapatan ng lunas.

Nagsagawa na rin ng rectal swabbing ang mga lokal na health worker sa mga residente upang kumalap ng sample na masusuri para matukoy ang tunay na sanhi ng pagkalason sa pagkain. (Freddie G. Lazaro)