Isang 38-anyos na kargador ng isda ang namatay habang isang istambay ang nasugatan makaraan silang pagbabarilin ng tatlong hindi pa kilalang suspek sa Concepcion, Malabon City, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Fernando Goli, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nalagutan ng hininga si Goli sa ospital na pinagdalhan sa kanya ng mga residente.

Nakilala naman ang istambay na tinamaan ng ligaw na bala na si Dennis Rivera, 49 anyos.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa imbestigayon, naglalakad si Goli sa Pilapil Street sa Barangay Concepcion, nang harangin ng tatlong lalaki dakong 8:00 ng gabi noong Huwebes.

Matapos ang ilang segundo ng pagtatalo, bumunot ng baril ang isa sa tatlong suspek at pinutukan si Goli nang malapitan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Napag-alaman ni SPO2 Jerry de la Torre mula sa mga kaanak ni Goli na sinabihan ng isang “Pogi” ang biktima na “mag-ingat.”

Lumitaw din sa imbestigasyon na ilang beses nang inireklamo si Goli ng mga residente dahil sa madalas na panunutok ng baril sa kanilang lugar. (Ed Mahilum)