Naaresto ng pulisya kahapon ang isang Chinese na pinaghahanap sa Palawan dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga at sa loob ng isang taon ay nagtago sa Isabela.

Ayon sa Tumauini Municipal Police, isang taong nagtago sa bahay ng kanyang kapatid sa Barangay Santa, Tumauni si Jian Zhong Uy, alyas Jan Jan Uy, 36, ng Malinao Norte, Palawan.

Naaresto si Uy sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Judge Lea Delos Reyes Baguyo, ng Regional Trial Court Branch 48 ng Puerto Princesa City, sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act), at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala niyang paglaya. (Fer Taboy)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog