TUWING gabi ay napapadaan kami sa Kia Theater sa Araneta Center, Cubao kapag wino-walk namin ang alaga naming Labrador, in fairness ay marami ang napapahinto para basahin at i-check ang poster ng The Milby Way concert ni Sam Milby na mapapanood na sa Sabado, Nobyembre 28.

Ibig sabihin, marami ang interesado kay Sam na ilang taon na rin namang walang major concert. Kaya itinaon ng Cornerstone sa 10th year anniversary ng singer/actor ang The Milby Way.

 

Nagtanong din kami sa Ticketnet, at ang sagot kaagad sa amin ay, “malakas po.”

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Natuwa kami dahil hindi rin namin palalampasin ang pagkakataong mapanood ang The Milby Way concert. Tiyak na matatagalan na naman kasi bago ulit siya mag-show dahil bisi-bisihan na siya sa tapings ng Doble Kara at Written In Our Stars.

Marami na ring supporters ang tambalan nina Sam at Julia (gumaganap bilang Sebastian at Kara/Sara sa Doble Kara) base sa ginanap na “Kapamilya Krismas 3” nitong nakaraang Linggo sa Trinoma na dinumog ng napakaraming fans.

Kahit nanlalapot na sa pawis sina Sam at Julia sa rami ng tao ay bigay na bigay pa rin ang dalawa sa kanilang production number.

Bagay din palang love team ang dalawa kahit na 10 years ang agwat ng edad.

Anyway, balita namin ay may dalawang aktor ang na-insecure sa pagpasok ni Sam sa Doble Kara, he-he-he.

E, oo naman, in terms of kaguwapuhan, panis na talaga ang dalawang aktor, kaya nga tinawag na Rockoustic Heartthrob, eh. ‘Yun dalawang aktor, so far wala naman kaming alam na tawag sa kanila. (Reggee Bonoan)