TUNIS (AFP) — Nagdeklara si Tunisia President Beji Caid Essebsi ng nationwide state of emergency at curfew sa kabisera matapos ang bomb attack sa bus ng presidential guard na ikinamatay ng 12 katao.

Sinabi ng isang security source sa lugar na “most of the agents who were on the bus are dead” matapos ang atake sa Tunis, na naging target ng karahasan ng mga jihadist simula ng 2011 revolution.

Wala pang grupo na umaako sa pambobomba, na ayon sa isang ministry official ay ikinasugat din ng 20 katao nang sumabog ito sa Mohamed V Avenue, habang idinaraos ang 26th Carthage Film Festival ngayong taon.

Kinansela ni Essebsi ang kanyang biyahe sa Switzerland noong Miyerkules.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'