CONCEPCION, Tarlac – Namatay ang isang Indian matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa may Cope Subdivision sa Concepcion, Tarlac.

Ang pinaslang ay kinilala ni PO2 Jose Dayrit Baluyut III na si Manpreet Kumar, 23, Indian, binata, negosyante, ng nasabing barangay na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Sinabi ni Ryan Romero, 31, ng Bgy. Alfonso, Concepcion, na minamaneho niya ang kanyang Honda Wave Motorcycle nang makita niyang lumapit ang riding-in-tandem sa minamanehong motorsiklo ni Kumar at pinagbabaril ito.

Napag-alaman na matapos patayin ng mga suspek si Kumar ay tinangay pa ng mga ito ang motorsiklo ng dayuhan, na iniwan ng mga ito na nakabulagta sa Dahlia Street sa Bgy. Green Village sa Concepcion.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakalagak ngayon ang bangkay ni Kumar sa Ilagan Funeral Parlor sa F. Tañedo Street, Tarlac City. (Leandro Alborote)