UAAP_QC_Cruz_7Nov2015-14 copy

Laro ngayon

MOA Arena

3:30 p.m. FEU vs. UST

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Sa pagsisimula ng best-of-three, Tamaraws kontra Tigers.

Mag-aagawan sa unang panalo sa pagbubukas ng kampeonato ang dalawang koponan pasok sa finals na Far Eastern University (FEU) at University of Santo Tomas (UST) sa pagsisimula ng best-of-three showdown para sa UAAP Season 78 men’s basketball tournament ngayong hapon sa MOA Arena, Pasay City.

Ang laro ng mga nasabing koponan ang magbibigay sa kanila ng malaking bentaheng 1-0 patungo sa titutlo.

Ang laban ng Tamaraws at ng topseed Tigers ay sa ganap na 3:00 ng hapon. Hangad ng Tigers na makamit ang kampeonato matapos ang naunang dalawang pagkabigo noong 2011 at 2012.

Ganito rin ang hangad ng Tamaraws na gusto ring bumawi sa natamong kabiguan sa kamay ng na-dethrone na kampeong National University (NU) noong finals ng nakaraaang taon.

Kahit na nga sinasabing may bentahe matapos talunin ang Tamaraws ng dalawang beses sa eliminations, naniniwala si UST coach Bong de la Cruz na patas na ngayon ang laban dahil iba na at higit na mas mataas ang level ng labanan ngayon.

“Yes we beat them twice in the eliminations but that will no longer count since it’s very different since the level of competition now is much higher in the finals,” ani de la Cruz. “And besides, FEU is a very strong team, kumpleto din sila at puro beterano pa ang mga player nila kaya mahirap silang kalaban at talagang dapat naming paghandaan.”

At dahil kapwa sila nagsabi ni FEU coach Nash Racela na “total team effort” at “defense” ang naghatid sa kanila sa finals, naniniwala si De la Cruz na kung sino ang makakapag-execute ng maayos ng kanilang gameplan partikular ang depensa ang siyang makakaungos.

“Kung sino ang makakapag-execute samin ang maayos at tama, yun ang malaki ang chance,” ayon pa sa Tigers mentor.

Naghahangad naman na mapanatili ang kanilang estado bilang most winningest team sa liga na mayroon na ngayong 19 na titulo, muli, ayon kay Racela, ay sasandigan ng Tamaraws ang kanilang depensa sa tangka nilang pagbawi sa UST sa unang dalawang panalong ipinalasap nito sa kanila.

Gaya ng dati, inaasahang mangunguna para sa Tamaraws ang kanilang 1-2-3 punch na sina Mike Tolomia, Roger Pogo yang Heartbreak Kid na si Mac Belo na inaasahan namang tatapatan ng pambato ng Tigers na sina Kevin Ferrer, Ed Daquioag at Louie Vigil sampu ng kasama nilang starters na sina Jon Sheriff at Karim Abdul na puwang nangakong gagawin ang lahat upang mabigyan ng kampeonato ang UST bago matapos ang kanilang playing years sa taong ito.

“Mas sobrang gigil kami ngayon kasi last year na namin,” ani King Tiger na si Ferrer. “Ibibigay talaga namin ‘yung best namin. Maglalaro kami na parang isang buong pamilya.”

“Gagawin naming ang lahat ng makakaya na makuha yung championship. Paghahandaan namin talaga. Bibigyan namin kayo ng magandang laban,”dagdag pa nito. (MARIVIC AWITAN)