Umapela ang Department of Justice (DoJ) ng pang-unawa mula sa mga pamilya ng 58 biktima, kabilang ang 32 mamamahayag, ng Maguindanao massacre sa mabagal na pag-usad ng kaso laban sa mga akusado, sa pangunguna ni dating Datu Unsay, Maguindanao Mayor Andal Ampatuan, Jr.

Sa isang text message sa mga mamamahayag, tiniyak ni DoJ Undersecretary at spokesman Atty. Emmanuel Caparas sa mga pamilya ng mga biktima at iba pang sektor na ginagawa ng government prosecutors ang kanilang trabaho upang mapabilis ang paglilitis sa 197 akusado sa pangunguna nina Ampatuan Jr., dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. at Zaldy Ampatuan, dating governor ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

“To the families of the victims, please be assured that your DOJ remains steadfast in its pursuit of fairness and justice for all of you. Our commitment continues and our doors are open. Please bear with us as the road to justice is challenging,” ani Caparas.

Binanggit niya na ang Maguindanao massacre case ay kinabibilangan ng 58 biktima, 197 akusado, 147 prosecution witness, at 300 defense witness. (LEONARD POSTRADO)

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order