doug kramer copy

Hindi nawalan ng pag-asa si GlobalPort banger Doug Kramer na mapupunta siya sa isang koponan kung saan ay mailalabas niya ang kaniyang husay sa paglalaro.

Sa ngayon ay naglilista si Kramer na averages na 11.4 -puntos, 9.8 rebound at 26.6 minutes matapos ang limang laro para sa Batang Pier.

Bago napunta sa Mikee Romero-owned franchise ay nag-aaverage si Kramer ng 5.8 points, 5.6 rebound at 17.8 minutes per game sa anim na koponan na pinaglaruan ng Baguio City-native dribbler.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Bukod sa Air21 na kumuha sa kaniya bilang 5th pick overall noong 2007 rookie draft, nakapaglaro na din si Kramer sa Brgy. Ginebra, Rain or Shine, Powerade, Barako Bull at San Miguel Beer.

Aminado naman si Kramer na naging mahirap ang pag-alis niya sa Beermen dahil na din sa bonding na kaniyang nabuo hindi lamang sa teammates nito kung di ay maging sa coaching staff at management.

I’m a role player and I was willing to play that role. With MVP’s Arwind (Santos) and June Mar (Fajardo) you can only do so much but I’m a role player and I was willing to play that role,” dagdag ni Kramer. “I always adjust with the role that is being given to me. It’s a bit tough kasi you enter the PBA wanting to play.”

Samantala, inamin ni Kramer na si iconic NBA rebounding star Dennis Rodman ang isa sa kaniyang naging idolo at ginagaya pagdating sa paglalaro sa hardcourt.

During the time, I was a big admirer of Dennis Rodman kaso he has no offense. Now, I’m a big admirer of Kevin Love.

He can shoot all the way from the three-point line. In a way I take a look at his game and try to emulate him but I try to stick with my strength also,” pahayag ni Kramer.

Umaasa naman si Kramer na nakuha na ng GlobalPort ang tamang timpla ng mga player sa pangunguna ng guard tandem nina Terrence Romeo at Stanley Pringle para makaabot sila sa playoffs ng ongoing PBA Philippine Cup.

Tangan ang 3-2 win-loss record, susunod na makakalaban ng GlobalPort ang Ginebra sa bukas sa Araneta Coliseum.

(Dennis Principe)