BEA AT JOHN LLOYD_CROP PLEASE copy

MOVE OVER sa mga nagpapabebe dahil ang original na pabebe girl pala ay si Bea Alonzo at nagawa na niya ito sa One More Chance, walong taon na ang nakararaan.

Yes, Bossing DMB, ang paborito mong si Bea pala ang tunay na pabebe girl. Kuwento ni Direk Cathy Garcia-Molina sa presscon ng sequel na A Second Chance noong Huwebes ng gabi, kapag napapanood ni Bea ang One More Chance ay nandidiri raw siya sa sarili niya dahil nga nagpapabebe siya kay Lloydie.

Tawa nang tawa si Bea sa pambubuking ni Direk Cathy.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Opo, nandidiri ako roon sa pabebe,” pag-amin ng dalaga na ikinatawa ng lahat. “Puwede ko po ipagtanggol ang sarili ko,” tumatawang hirit ng aktres.

Samantala, seriously, inamin ni Bea na umiiyak pa rin siya tuwing napapanood niya, kahit paulit-ulit, ang One More Chance.

“Grabe, sobrang naapektuhan pa rin ako sa movie, hindi maiiwasang hindi ka maiyak, talagang ang sakit ng pelikulang ‘yun,” pag-amin ni Bea. “Sobrang malapit po sa puso ko ang One More Chance, sabi nga classic na. At saka itong mga katrabaho ko po, malalapit din sa puso ko at minsan ka lang nakahanap ng grupo na talagang nagdya-jive kayong lahat, nagkakaintindihan kayo lahat.

“Aside from that, feeling ko milestone namin ito ni John Lloyd (Cruz) kasi nu’ng panahong ginagawa namin itong One More Chance ay hindi naman namin na-realize na maaapektuhan ang mga tao at nagustuhan nila ‘yung pelikula.

“We’re very lucky na naging parte po kami nito, isa lang po kami sa maliit na bahagi ng pelikula kasama ‘yung mga writers po, si Direk Cathy at lahat kami nagtrabaho para mabuo ‘yung ganu’n klaseng pelikula.”

At dahil tinutukso pa ring pabebe girl si Bea ay ipinagawa sa kanya ang eksenang iyon sa pelikula, at binilangan siya nina Direk Cathy at Lloydie, sabay sabi ni Bea ng “promise” (maarteng pagkakasabi) na ikinaaliw nang husto ng lahat ng nasa Dolphy Theater.

Samantala, inamin ng buong cast na sobrang nahirapan sila sa A Second Chance dahil napakalayo at ibang-iba raw ito sa One More Chance.

Nag-mature na kasi sina Popoy and Basha sa istorya pagkalipas ng walong taon, kaya may bed scene na sila kaya nasabihan ni Bea si Direk ng, “Direk, ginawa mo akong boldstar dito.”

Katwiran naman ng box office director, “Eh, kasi bilang mag-asawa kailangan sa eksena naman, pero hindi naman totally naked, hindi ko naman kaya iyon.”

Tiyak na excited na ang mga nag-aabang kina Popoy at Basha. After eight years, mapapanood na ang A Second Chance sa November 25 nationwide handog ng Star Cinema. Kasama nina Lloydie at Bea sa movie sina Bea Saw, Ahron Villena, Janus del Prado, James Blanco, Dimples Romana at iba pa. (REGGEE BONOAN)