PBA_Global_03_Dungo,jr_081115 copy

Mga laro ngayon

Araneta Coliseum

4:15 p.m. – Globalport vs Alaska

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

7 p.m. – Talk ‘N Text vs NLEX

Globalport, Alaska at TNT hangad sumalo sa SMB.

Posibleng magkaroon ng kasalo ang defending champion at kasalukuyang lider San Miguel Beer sa pangingibabaw bago matapos ang araw, depende sa magiging resulta ng tampok na laban ng 2016 PBA Philippine Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Mababasag na rin ang kasalukuyang 4-way tie sa ikalawang posisyon sa pagtutuos ng apat na koponan sa dalawang magkahiwalay na laro ngayon na tatampukan ng tapatan ng Globalport at Alaska ganap na alas-4:15 ng hapon at ng salpukan ng Talk ‘N Text at NLEX ganap na alas-7 ng gabi.

Nasa solong pamumuno ngayon ang Beermen hawak ang barahang 4-1, panalo-talo habang magkakasalo sa kanilang likuran at naiiwan lamang ng isang panalo ang Batang Pier, Aces Rain or Shine at ang Tropang Texters.

Inaasahang mangunguna para sa Aces ang kasalukuyang version ng “Bruise Brothers” sa katauhan nina Vic Manuel at Calvin Abueva habang inaaasahan namang mangunguna para sa Globalport ang kanilang matitinding guards na sina Terrence Romeo, Joseph Yeo at Stanley Pringle.

Makikilatis ngayon kung kinalawang ang laro ng Aces na manggagaling sa dalawang linggong break pagkaraan ng kanilang dalawang sunod na laro na idinaos sa Dubai noong Nobyembre 6 at 7 na nagtapos sa 92-93 kabiguan nila sa kamay ng Ginebra.

Sa kabilang dako, magbubuhat naman ang Batang Pier sa tatlong dikit na tagumpay, pinakahuli kontra dating lider Rain or Shine Elasto Painters, 113-111, noong Nobyembre 13 kung saan isinalba ni Pringle ang koponan sa pamamagitan ng isang lay-up kontra tatlong defenders na kinabibilangan nina Raymund Almazan, Beau Belga at Jireh Ibanes.

Ngunit malaking katanungan kung uubra ba ang ganitong laro ni Pringle kontra kina Manuel lalo na kay Abueva.

Naghahangad namang sumama sa mananalo sa unang laro sa pamumuno kapantay ng Beermen ang Tropang Texters sa pagsagupa nito sa knailang sister team Road Warriors.

Tatangkain ng TNT na dugtungan ang naitalang dalawang sunod na panalo, pinakahuli ang 91-86 na pag-ungos sa Star Hotshots sa larong idinaos sa Lucena City.

Kabaligtaran ng Tropang Texters, bigo naman sa kanilang huling laban kontra Hotshots ang Road Warriors, 95-97.

Sisikapin nilang makabangon upang sumalo sa Barako Bull sa ikatlong posisyon taglay ang barahang 3-2 .