BAGUIO CITY – Nakaalerto ngayon ang Baguio City Police Office (BCPO) sa pagdagsa ng libu-libong bisita sa Baguio City para sa long weekend sa Metro Manila na nagdulot ng hindi inaasahang trapiko sa Summer Capital.

Sinabi ng hepe ng BCPO traffic department na si Supt. Evelio Degay, noong Miyerkules, na halos dinoble ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting sa Manila gayundin ang annual Philippine Mining, Safety and Environment conference ang vehicular traffic sa lungsod at napilitan ang departamento na magsagawa ng extraordinary measures upang matugunan ang hindi inaasahang volume.

Binanggit ni Degay na ang mga kalsada na inaasahang makararanas ng matinding trapik ay ang mga popular na tourist spot, gaya ng Mines View Park. (PNA)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?