Keempee copy

MAY nineteen year-old daughter na si Keempee de Leon, pero wala pa rin sa isip niya na mag-asawa, no problem naman sila ng ina ng anak niya dahil open ang communication nila para sa kanilang anak. 

Wala ba siyang girlfriend ngayon?

“Two years ago, nagkaroon ako ng karelasyon pero hindi rin kami nagtagal,” sagot ni Keempee. “Hindi nag-work, may mga differences kami, siyempre, hindi niya maintindihan ang trabaho ko, iyong wala akong time sa kanya. Ayaw ko nang kinukuwestiyon ang trabaho ko kaya ayaw ko na muna. Pero I go out on dates pa rin. Sa ngayon nga lang, mas gusto kong tutukan ang anak ko at ang work ko, tamad din akong lumabas. Ngayong may bago akong drama series, ang Little Nanay, madalas na three to four days ang taping namin, ‘tapos daily pa ako sa Eat Bulaga. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Enjoy ako sa role ko sa Little Nanay na ander de saya ako ng asawa kong si Gladys Reyes. Kung gaano ako katahimik, napaka-nagger naman ni Gladys kaya swak ang roles namin. Maganda naman ang ambiance sa taping dahil kalog din si Ate Guy (Nora Aunor), si Manoy Eddie (Garcia) at si Tito Bembol (Roco). Baby nga naming lahat si Little Nanay, si Kris Bernal. Masarap ding katrabaho sina Mark Herras, Juancho Trivino at Hiro Peralta, na anak namin ni Gladys sa story.”

Kumusta naman siyang ama, mahigpit ba siyang sa dalaga niya? 

“Nagri-remind lang ako sa kanya, ayaw pa rin naman and mahilig pa siya sa mga Justin Bieber, parang bata pa rin. May mga friends naman siya, they go out pero wala pa naman akong naririnig na may boyfriend na siya.”