Agad na nasawi ang isang kilabot na holdaper habang sugatan naman ang kasamahan niya matapos umano silang makipagbarilan sa mga pulis Laloma, Quezon City, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Supt. Dario Anasco, hepe ng Laloma Police, ang napatay na si Billy Rose Manlapaz, 23, ng No. Barangay 129, Caloocan City.

Napatay si Manlapas dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Sugatan naman ang kasama niyang si Charles Jacinto, 20, ng Caloocan City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Base sa report, dakong 8:45 ng gabi, naglalakad sa Biak na Bato Street sa Bgy. Sto. Domingo si Angelica Campos, 18, sales lady, ng Calderon Street, Bgy. Siena, Quezon City, nang bigla siyang holdapin nina Manlapaz at Jacinto.

Nagkataon namang napadaan ang mobile patrol ng Laloma Police at sinita ang mga suspek, na agad umanong pinaputukan ang awtoridad. (Jun Fabon)