WELLINGTON (AFP) — Nagsimula nang bumoto ang mga New Zealander noong Biyernes para pumili ng magiging bagong bandila sa pagkonsidera ng South Pacific nation na alisin ang Union Jack ng Britain sa kanyang pambansang watawat.
Pinapipili ang mga botante sa limang flag option sa postal referendum na magpapatuloy hanggang sa Disyembre 11.
Ang mananalong disenyo ay itatapat sa kasalukuyang bandila sa ikalawang referendum na gaganapin sa Marso ng susunod na taon.