Andi copy

BILIB na bilib kay Andi Eigenmann si Direk Carlo J Caparas. Sa dinami-dami ng kapanabayang mga artista, para kay Direk Carlo ay walang ibang babagay na gumanap sa remake ng Angela Markado kundi si Andi.

Kaya sa susunod niyang project, malamang na si Andi pa rin ang gawin niyang bida.

Obvious na si Andi ang paboritong aktres ngayon ni Direk Carlo, dinig na dinig ng lahat ng press na dumalo sa presscon na ipinatawag ni PAO Chief Atty. Persida Acosta ang labis-labis na mga papuri ng director sa bagong bida ng Angela Markado.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Obserbasyon ni Carlo J. Caparas, pati na ang inang si Jaclyn Jose na hamak na mas magaling kay Andi ay kaya raw pantayan ng huli at ganoon din ang kahusayan ng mga aktres na nahawakan na niya kagaya nina Vilma Santos at Dawn Zulueta.

“From the heart ang pag-iyak ni Andi. At naramdaman namin na ang pag-arte niya hindi kagaya ng mga napapanood natin sa TV na sobrang iyak ng mga artista pero luha lang ang nakikita mo at hindi mo naramdaman ang feeling nila, walang mga emosyon kang nakikita,” papuri pa ni Direk Carlo kay Andi.

Napansin namin na parang matutunaw na sa mga narinig na papuri ni Direk si Andi, pero tuluy-tuloy lang sa kanyang mga papuri si Direk Carlo.

“Si Andi, sobrang professional din siya. Hangang-hanga ka rin sa professionalism niya kahit sobrang hirap na ang mga eksenang kinunan niya, lalung-lalo na du’n sa rape scene, eh, wala kang maririnig na reklamo sa kanya. ‘Yan ang malaking kaibahan niya sa iba nating artista,” sey pa rin ng esposo ni Donna Villa.

Sa December 2 na ang showing ng Angela Markado produced by Oro de Siete Films at ire-release ng Viva Films.

(Jimi Escala)